oo. alam ko. malaking chance na napakagago ng buhay mo. bakit? madami kang problema eh.
siguro, kung nag-aaral ka pa. problema mo ung pag-aaral mo. ganito lang naman yan eh. either: bumabagsak ka tapos may paki ka, bumabagsak ka tapos wala kang paki, normal ka lang, o mataas grado mo.
sige, bumabagsak ka tapos may paki ka. wala. un na problema mo. bobo ka eh. joke lang. ewan ko problema mo.
kung bumabagsak ka naman tapos wala kang paki, ung problema mo, magulang mo siguro. kung di ka naman pinapagalitan ng magulang mo, problema mo rin un. wala silang paki sayo. tae ka sa kanila. o kung wala kang magulang, problema din un.
kung normal naman, normal ka lang. corny mo.
kung mataas naman grado mo, patay ka. may next sem pa. baka bumaba. problema mo rin yan.
sa iba naman, baka may problema ka sa.. crush mo, love mo, girlfriend mo, boyfriend mo, ewan ko. either love ka niya o hindi ka niya love. kung hindi ka niya love, wala, pakamatay ka na. joke lang. well, problema din un. eh kung love ka niya. ano ung chance na forever na kayo? isang kagaguhan lang na gawin mo o gawin niya, poof, wala na kayo. kung mag-aasawa naman kayo, problema rin un.
kung problema naman na may gusto kang bilhin tapos kulang ang pera mo, hehe. kulang pera mo. pero, problema din un.
basta naman sigurado ako may problema ka eh. tapos paemo ka na kala mo tite buhay mo. feel mo sobrang tae ka. na sobrang di ka love ni God tapos walang may mahal sayo. well, gago ka.
pano ko masasabi? eh, may internet ka. ano kahulugan nun? kung may internet ka, may pera ka pang internet o pang computer. so hindi mo sobrang problema ang pera. tapos.
un na. ganyan naman kasi yan eh. kung kala mo andami mo ng problema, tumingin ka lang sa lansangan. sa kalye diyan, may namamalimos. isipin mo, problema niya, makakain siya kahit isang beses lang sa isang araw? sige, anong problema mo na mas mabigat diyan? kung may maisasagot kang matino, kawawa ka naman. kung wala, isa lang naman ang pinakaproblema mo: di ka marunong magpasalamat. masarap buhay mo. mas masarap nga lang buhay ko. pero, mas masarap buhay mo kaysa sa marami diyang nagugutom. basta hindi mo problemahin ung pera na gagamitin mo para sa pagkain mo sa araw, hindi ung allowance ha, kundi ung kailangan mo kitain, okei na buhay mo. wala ka ng karapatan umiyak ng ewan. unless pangit ka.
Wednesday, June 24, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment