Tuesday, June 9, 2009

sakim.sa.barya

ah. nagpapasalamat ako dun sa kablock ko sa filipino. sa kanya ko tinanong ung tagalog ng greed. este, FILIPINO ng greed. oo, tama naman, filipino, hindi tagalog. kasi... ano ba yan, alam mo na yan. ung filipino, ayon sa guro ko nung 4th year hs [parang sobrang tagal na, last year lang naman!], tagalog + other dialects ng pinoy. anyways, ang haba ng intro ko, nakalimutan ko na sasabihin ko.

eto, sakim ka ba sa barya?

naaasar lang ako sa mga tao [nablog ko na ata to sa multip], ung mga taong ayaw magbigay ng barya para dun sa mga kumakatok sa kotse nila. sabi nila, baka raw ipangjuts, drugs, rugby, candy, lotto [lotto?!], o kung anu-ano pa. eh ano ba naman. sabi nga nung guro ko [siya rin to, madami akong natutunan sa kanya, tulad ng pano lumabas ung dugo sa mata, o sa puson o ano.], sila na raw may problema nun. ikaw naman, dapat mo naman silang tulungan.

isipin mo, barya na nga eh. ano, limang piso? ayaw mo pa bigay? grabe ka naman. tumawag ka na lang ng isang minuto sa cell eh anim na piso na un. tapos ung pulubi, di mo pa mapapagbigyan/mabibigyan? di ka pupuntang heaven niyan. sige ka. pero di un ung reason bakit bibigyan mo sila ha, tutulong ka kasi tao ka at nararapat na tumulong ka, hindi dahil may kapalit na heaven!

pero kahit piso lang. wag naman bente singko, ano ka ba, ano mabibili nun, buhok?

No comments:

Post a Comment