Tuesday, June 9, 2009

naglakad.lang.namatay.na

marunong ka ba magdrive?

isipin mo to, marunong ka magdrive. may kotse ka. swerte ka. di mo kailangan magcommute. di mo kailangan maglakad ng pagkalayu-layo.

tapos binubusinahan mo ung tumawid sa kanto. aba'y gago ka rin ano?

isipin mo, wala na nga silang kotse, nahihirapan na nga sila pumunta from point a to point b na ang shortest distance ata e line sa math tapos displacement sa physics. ata lang. wala lang.

so ganun nga, magagalit ka pa sa kanila na tumatawid sila. nakakotse ka na nga eh. ikaw pa galit.

isipin mo naman kung nakapatay ka ng pedestrian. grabe ka. ano ung rason bakit napatay mo siya? nagmamadali ka, di siya tumawid sa tamang lugar, lasing ka [gago!], o kung anu-ano pa. ano laban mo dun sa - nakapatay ka ng tao. di lang ung tao ung pinatay mo, ung kapamilya pa, ung mga kaibigan, pati sarili mo. makalusot ka man sa korte, tae ka man na di ka nababagabag [hirap ispell!] ng conscience [ di ko alam tagalog.konsiyensiya? spelling error ata un.], ewan ko na lang sa langit kung papapasukin ka.

dapat namang alalahanin nung tumatawid ung dinadaanan niya. oo. malamang. baka may tae eh. at hindi dahil sa kotseng ayaw pagbigyan ung tumatawid. hirap na nga magcommute ung tao o maglakad kung saan man, papahirapan mo pa sa greed mo. ano tagalog ng greed? ewan ko eh.

naman oh. naglalakad lang, namatay na.

No comments:

Post a Comment