sino nga ba? si noli, si bayani [go bayani, buong pilipinas, pink! kahit sa world map, kahit sa suot mo, dapat pink. bakla.], si villar, si roxas, si escudero, si loren, si eddie gil [kung 18 na ako nun, binoto ko un. babayaran daw utang ng pilipinas eh. kung hindi, tusukin natin sa puwet], tska kung sinu-sino pa.
pero sabi dun sa balita, o kung ano man un, dapat daw may mga 4 billion na pera para sa maayos na campaign. 4 billion?! maayos?!
grabe naman no? isipin mo, sa GK, 70,000 pesos ata ung isang bahay, sige, gawin nating low cost tlga, 50,000 na lang, [para madaling magcompute!], teka, ilang zero ba sa 4 billion, ang hirap eh. 4,000,000,000 ba? so 4,000,000,000/50,000 = [ewan ko, di ako sinasagot nung taong nagsabi kung ano filipino nung greed]. 80,000 ata. ewan ko talaga. 4 billion?! sobrang ilang tao tinanong ko rito kasi sobrang daming zero. 80,000 houses raw. WEH.
maiisip mo, 80,000 lang ung boboto sayo? eh ibalita mo lang un na imbes na magcampaign ka eh ibinigay mo na lang para sa mga pilipino. oh di man bahay. kahit libro lang. kahit chalk nga lang eh. ilagay mo mukha mo sa box.
andaming magagawa ng 4 billion para makatulong sa tao!
ano mas iboboto ng tao, ung ginamit ung pera para sumikat sa tv o ung taong ginamit ung pera para makatulong? well, di ako campaign organizer so di ako sure diyan pero, magiging presidente ka para naman tumulong diba? idonate na lang diba? eh, teka. tatakbo ka ba? di naman pala eh. bakit mo to binabasa. ulol:))
Tuesday, June 9, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment