Monday, December 14, 2009

YugaTech Great Gadget Giveaway


check this out!:)

http://www.yugatech.com/blog/contests/yugatech-contest-1-merry-tweetmas/

mechanics:

1) Follow @abeolandres and @talk2globe on Twitter.

2) Post a tweet “Just entered to win a Modu Phone. Quick! Go follow @abeolandres and @talk2globe and retweet: http://bit.ly/6e2q7O #thanks2yugatech

Wednesday, November 25, 2009

alam mo ung hate na hate ko?

grabe, alam mo ung asar na asar ako? well, ung politics ek ek malamang. sino ba di magagalit dun. pero pinakaayaw ko talaga ung packaging na niloloko ka.

diba may plastic na package. tapos, may nakataling part dun. syempre, ano tatanggalin mo muna, ung tali diba? tapos nun, bukas na. eh aba naman. lolokohin ka ba naman, nakaseal pa pala un. gago pala eh. lalagyan pa ng tali, eh hindi naman pala un ung pangseal niya talaga. grabe no? parang ikaw na nga ung customer, lolokohin ka pa. papaniwalaang kapag natanggal na ung tali eh makukuha mo na ung nasa loob. pero hindi eh. malaking pagkakamali. maling akala. parang si rizal tska si marcos, nagakala. eh mali pala. un, patay. grabe talaga tong mundo natin ano?kahit plastic, niloloko tayo. hai buhay.

lecheng plastic yan, mamatay ka na.

Monday, November 2, 2009

GMA is GREAT.

ganito, malamang gusto mo to mabasa dahil anti-GMA ka at gusto mo ako ibash dahil sa sinasabi ko. OR, pro-GMA ka dahil either ikaw si GMA o binibigyan ka niya ng pera directly man o indirectly, o die-hard GMA-fan ka... na malamang binibigyan ka niya ng pera.

so bakit ba magaling si GMA?

ganito kasi un eh.

Nung Spanish times, matagal-tagal man at medyo tribu-tribo pa tayo compared sa kanila pero eventually napaalis natin sila.

Mga Amerikano rin, aba, world power pero naalis din natin!

Mga Hapon, pumapatay at nangrarape pero aba, napaalis din natin sila.

Si Marcos, aba, hawak ung military at lahat eh handang patayin, wala rin. napaalis din natin.

Si Erap, isang mali lang [ata], talsik na agad.

eh si GMA? naranasan na natin ung hirap ng 3 taon, ano, binoto pa rin natin at ibinalik. tapos ngayong 6 na taon, dumaan na ang Oakwood mutiny, ung rebellion sa Manila Pen, ung NBN ZTE Scandal, ung tungkol sa EO464, ung sa Cha-Cha, ung madaming extra-judicial killings. eh ano? aba, ilang beses na natin sinubukang tanggalin. napaalis ba natin? hinde. baka nga magnext term pa siya eh.

ang galing niya no? walang tatalo. mas magaling pa kay Erap, kay Marcos, sa mga Hapon, Amerikano at Kastila.

Monday, July 27, 2009

GAAAME! SOBRANG ALIIIIW.

oi. gwapo/ganda/bakla/etat, may game akooo!

ganito.
think of an even number between 200 and 204.
think of another number between 300 and 400.
think of a third number between 500 and 700.
dont forget the first number.
forget the second number.
add the second and third number.
why did you remember the second number.
go add the first and second number.
you now have a 4th number.
go add the 4th number to the 5th number.
why dont you have a 5th number.
just add the 4th number and the second number.
i told you to forget the freakin second number!
just think of a new number.
why is it the same as the second number?
what is up with that number?
are you married to it?
get a freakin divorce and find another number.
let's just say you have 5,898,998,288,884 as your number.
divide it by two.
...
...
get a freakin calculator.
...
get the freakin batteries.
...
wow, and you didn't even read the manual.
...
just use 4.
go divide it by 2.
stop using the freakin calculator for that. it's 2.
...
i said it's 2.
throw away your damn calculator NOW.
subtract 2 from the number.

now you have the number of balls in your crotch. but if you're a girl. don't subtract 2.

[english to kasi medyo mahirap naman sabihin na bawasan ng dalawa, idibayd ng 2. diba?]

Friday, July 24, 2009

go cory!



live long!

heaven!

masama ngang isipin pero nahihirapan pa rin akong maniwala sa konsepto ng heaven. lalo na ung heaven ng iba't ibang religion. kasi asa namang madaming heaven diba. parang dapat iisa lang.

pero, may tanong lang ako. tungkol sa multo. ayoko sagutin to ng multo. takot ako sa kanila. please lang.

ung mga multo, ung soul nila, nananatili rito diba. parang for vengeance. usually, sila pa ung mga mababait kasi either nirape sila, pinatay or somthing. i mean mabait na hindi sila ung gumawa nung masama.

so dapat pupunta sila sa heaven?

eh bakit nga hindi sila pumunta sa heaven? una, hindi ba sila tinanggap dun kaya narito sila? o ayaw nila dun? pero heaven un ah. sino ba ayaw dun.

kaya nga eh, naniniwala tayo sa mga kaluluwa, demonyo, anghel, diyos na tatlo na isa, pero ung iba, hindi naniniwala sa multo, aswang, engkanto. sisihin mo ung mga Kastila.

nilito tayo nila.

meron nga bang heaven?:{

Wednesday, July 22, 2009

HARRY POTTER!

grabe. harry potter movie review to. magcocomment ako sa lahat ng nangyari sa movie.
asa. ewan ko sa mga taong ganun. diba. ano paki ko sa feelings ng ibang tao sa movie.

anyways.
kagaguhan nung nanood ako ng Harry Potter.
alam mo nangyari?
may lalaking gayot sa likod ko nun. may kasama siyang babae. sobrang ingay nila. kagaguhan sila. pero, ung grabe dun, nung nagkiss ung si Ron tska ung girl [di ko mahanap pangalan sa wikipedia eh], nagaww. siya. okei na sana kung girl ung nagaww. pero ang deep na aww na gayot eh.

so natawa ako dun. kaso umulit uli!
tapos naman nung nagkiss ung si ron tska si ewan ko. si hermione ata o ung girl, hindi lang siya nagaww. tumili siya. ung gayot na deep na tili. bago un promise!

katakot. harry potter na nga, babakla pa.:|

what's the one thing that you can't live without?

tinanong to sakin: what's the one thing that you can't live without?

napaisip naman ako. syempre. eh one thing lang eh. alam mo sagot ko?

SEX.

hindi ako sex addict. masama un. totoo naman eh. mabubuhay ka ba kung walang sex? walang mabubuhay ngayon kung walang sex. procreation yan. hindi ung bastos na ewan. isipin mo sagot mo sa tanong na yan, music. kaya mo naman mabuhay ng walang music eh. mababaliw ka lang. pero ang sex, hindi. pwede mo sana isagot sperm kaso kailangan ng egg. pwede ring sagot diyan, sarili mo. malamang. how can you live without your own self? diba.:|

anyways. kapag may nagicebreaker na yan tanong. wag mo naman sagot yan. ano bang first impression un. :|

Friday, July 17, 2009

itlog o manok?

madaming gagong laging nagtatanong kung ano ba nauna, betlog o manok? may sagot na ata diyan eh. manok ata kung icoconsider mo na sa paglabas nung manok sa itlog, manok siya kasi dati, macoconsider na species siya na ung before magevolve to manok. gets? pero technically, manok na ung nasa itlog so itlog dapat. ewan ko rin. nabasa ko lang yan sa wikipedia. anyways, papahirapan kita.

ano ung unang shell na ginamit nung unang snail nung lumaki na siya at naoutgrow na niya ung shell niya? ewan ko kung snail ba ung naggaganun. tinatamad na ako magresearch. pero diba. naghahanap ung mga snail ng bagong malilipatan na shell na ginamit ng other snail? [ay sabi sa research hindi raw snail un, pero anyways, basta may animal na ganun] so saan nanggaling ung shell na un? kunyari siya ung first snail ever? de technically, wala siyang makukuhanan ng other shell.

which came first, shells or the first ever animal that outgrew its shell?

tama ba ung tanong. ano ba kasing animal un. iba ung ecdysis [iwikipedia mo] kaysa dun sa lumilipat ng bahay eh.

hirap.

lahat naman tayo may chance na humirap. ung tipong wala ka ng pambili ng pagkain pero may pambili ka pa rin ng load. kung ganoon mangyari sa akin, alam ko na ung trabahong kukunin ko.

syempre di ako makakatapos, apat na taon pa eh. pano kung humirap kami ngayon. pero sana naman hindi. sana! anyways, kung humirap man kami, alam ko na ung gusto kong trabaho.
gusto kong maging ung naglilinis ng kotse sa may kalye o ung tumutulong sa mga nagdridrive magpark.

pero, bakit?

simple lang sagot diyan. isipin mo naglinis ka ng kotse. tapos di ka binigyan ng barya. wala ka mang pera, may good deed ka naman! kung binayaran ka, de ayos, may pera ka. isipin mo, ung mangyayari sayo, either may pera ka o may good deed!

di ka man yumaman, pupunta ka naman sa heaven.
kaso, ayoko humirap.
mahirap eh.

Sunday, July 12, 2009

angas siya.

totoo namang angas si michael jackson eh. sobrang nakakaaliw siya. pero nakakalungkot lang na parang malungkot daw siya sa buhay niya at ung music lang ung nakakasaya sa kanya, tska mga batang nakahubad. pero anyways. may isa akong tanong na gusto ko talaga masagot tungkol sa kanya.

ano ang kulay ng nipol niya? [nipple, utong, baktong]

wala lang. diba dati maitim siya. so maitim din dapat ung nipol niya. tapos nagkavitiligo ata siya o ano tapos nagpableach siya. eh hindi naman ata pumuputi din ung nipol eh. so itim pa rin un? grabe un no, parang may chocolate sa gitna ng white chocolate. kalabuan.

pero wla lang. namatay pala siya kasi naaasar siya na bakit itim pa rin nipol niya. labo.

Wednesday, June 24, 2009

may baboy.

hindi ko maintindihan. madaming obese ngayon, kaso naman, dumadami pa rin ung mga nagugutom sa afrika at sa kung anu-ano pa. parang ang labo diba. may iba, ung problema nila, sobrang dami nilang kinakain na di na nila kaya. sobrang pinipilit na nilang hindi kumain. ung iba naman, sobrang wala silang makain! ano ba un.

alam mo ba tip ko sa biggest loser? un ung show ng mga matataba diba? dapat, dalhin sila sa afrika. ewan ko lang ha kasi feel ko sobrang gagana un. una, talagang papayat sila. ang init init dun eh. tanggal taba. pangalawa, wala namang pagkain dun eh. pano pa sila tataba? tapos, kung meron man, sobrang maguiguilty sila kasi ang taba taba na nila tapos ung mga kasama nila sobrang mamamatay na sa gutom.

wala lang. ewan ko lang kung galit si God sa atin na nangyayari ung iba eh andaming kinakain tapos ung iba naman eh sobrang wala.

kagaguhan ang buhay mo.

oo. alam ko. malaking chance na napakagago ng buhay mo. bakit? madami kang problema eh.

siguro, kung nag-aaral ka pa. problema mo ung pag-aaral mo. ganito lang naman yan eh. either: bumabagsak ka tapos may paki ka, bumabagsak ka tapos wala kang paki, normal ka lang, o mataas grado mo.

sige, bumabagsak ka tapos may paki ka. wala. un na problema mo. bobo ka eh. joke lang. ewan ko problema mo.

kung bumabagsak ka naman tapos wala kang paki, ung problema mo, magulang mo siguro. kung di ka naman pinapagalitan ng magulang mo, problema mo rin un. wala silang paki sayo. tae ka sa kanila. o kung wala kang magulang, problema din un.

kung normal naman, normal ka lang. corny mo.

kung mataas naman grado mo, patay ka. may next sem pa. baka bumaba. problema mo rin yan.

sa iba naman, baka may problema ka sa.. crush mo, love mo, girlfriend mo, boyfriend mo, ewan ko. either love ka niya o hindi ka niya love. kung hindi ka niya love, wala, pakamatay ka na. joke lang. well, problema din un. eh kung love ka niya. ano ung chance na forever na kayo? isang kagaguhan lang na gawin mo o gawin niya, poof, wala na kayo. kung mag-aasawa naman kayo, problema rin un.

kung problema naman na may gusto kang bilhin tapos kulang ang pera mo, hehe. kulang pera mo. pero, problema din un.

basta naman sigurado ako may problema ka eh. tapos paemo ka na kala mo tite buhay mo. feel mo sobrang tae ka. na sobrang di ka love ni God tapos walang may mahal sayo. well, gago ka.

pano ko masasabi? eh, may internet ka. ano kahulugan nun? kung may internet ka, may pera ka pang internet o pang computer. so hindi mo sobrang problema ang pera. tapos.

un na. ganyan naman kasi yan eh. kung kala mo andami mo ng problema, tumingin ka lang sa lansangan. sa kalye diyan, may namamalimos. isipin mo, problema niya, makakain siya kahit isang beses lang sa isang araw? sige, anong problema mo na mas mabigat diyan? kung may maisasagot kang matino, kawawa ka naman. kung wala, isa lang naman ang pinakaproblema mo: di ka marunong magpasalamat. masarap buhay mo. mas masarap nga lang buhay ko. pero, mas masarap buhay mo kaysa sa marami diyang nagugutom. basta hindi mo problemahin ung pera na gagamitin mo para sa pagkain mo sa araw, hindi ung allowance ha, kundi ung kailangan mo kitain, okei na buhay mo. wala ka ng karapatan umiyak ng ewan. unless pangit ka.

kay plankton!

ui plankton, kung nababasa mo to, basahin mo pa! ung si plankton na from bikini bottom ba un. ung kay spongebob. meron kasi akong di maintindihan eh. diba si plankton, gustong kunin ung secret thing nung krabby patty. so kailangan niya makakuha ng specimen. naks. specimen:> mali ata eh. anyways, so un ung goal niya. si mr. krabs naman, gustong-gusto ng pera diba?

eh bakit ayaw na lang bilhin ni plankton ung krabby patty?! di ba? mareresist ba ni mr. krabs un eh barya na nga, mamamatay na siya para dun. ewan ko lang ha. di ko lang alam kung may episode na nangyari un pero, sobrang bobo ni plankton kung di pa niya nattry un. wala lang! eh kasi, napanood ko kasi ung tagalog na version nung Sponge Bob, nakakaewan sobra.:| naman oh.

anyways, alam ko mayroong mas mahalaga pagusapan kaysa dyan pero, naman oh, kabobohan naman ni plankton:| kaasar.

Monday, June 15, 2009

bakit.angas.maging.pari!

-buti pa ang pari... sumusweldo kada linggo.
-buti pa ang pari... magtratrabaho lang, aba, may libre pang tinapay, ala nga lang palaman.
-buti pa ang pari... pwede uminom ng alcohol sa misa, habang andaming taong nakatingin sa kanya.
-buti pa ang pari... kahit ano sabihin, banal agad. magmura lang, banal na un.
-buti pa ang pari... maglalakad lang papunta sa trabahuhan, kakantahan pa, minsan nga lang sintunado.
-buti pa ang pari... day-off araw-araw.
-buti pa ang pari... hindi pwede mag-asawa. oo. mabuti un.
-buti pa ang pari... pagnalate sa trabaho, di aalis mga tao.
-buti pa ang pari... kahit pangit kumanta, hindi babatuhin di tulad sa mga bidyoke bar.
-buti pa ang pari... madali magpaantok ng tao, pwdeng anesthesia, o kahit may insomnia, tulog.
-buti pa ang pari... tagabigay lang ng tinapay.
-buti pa ang pari... pwdeng gumawa ng kasalanan tapos icoconfess lang sa sarili niya, forgiven na.
-buti pa ang pari... kahit magsalita ng walang sense, okei lang, wla naman nakikinig sa kanya.
-at last, buti pa ang pari... dadaldal lang, pupunta na sa heaven. amen? amen! praise the lord!

Saturday, June 13, 2009

corny.dont.read:))

famous quotes:>

when a door closes, dumaan ka na lang sa bintana, para di ka mahuli magnakaw.

honesty is the best best policy. kiwi is the best polisher. [shoe polisher!] shet, ang corny.

ang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan, matalino. aba, baka madapa ka eh. tignan mo ung dinadaanan mo. gago.

daig ng maaga ang masipag. daig ko lahat.

curiosity killed the cat. patayin natin si curiosity. pumapatay ng cat eh.

pag makitid ang kumot, mali ang bili mo. engot.

nasa tao ang gawa, nasa tao ang gawa, nasa tao ang gawa.

Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim. minsan dumadaan sa tae, minsan nakakasagasa ng tao. pero lagi, nahihilo.

walang panluto, walang nilaga.

united we stand, divided i'm better.

blood is thicker than water. shit is even thicker.

one man's waste is another man's pahirap sa buhay. waste na nga eh, itapon mo na.

Give a man a fish; you have fed him for today. Teach a man to fish, humingi ka ng pursiyento sa kita niya.

last na!

beauty is in the eye of not you!

ako'y.may.kasalanan.

diba may hate late sa pizza hut?

nangyari, nag-order ako nung lasagna pizza. sobrang ewan ng lasa promise! anyways, di un ung kwento ko. pero grabe, di tlga.. err.. bleah!

so, lumampas sa 30 minutes, di pa rin dumadating ung delivery guy. tumawag ako sa pizza hut. nalaman ko na nasira ung motorcycle tapos papunta na raw ung back-up delivery person.

pero, late pa rin. so sabi ko dun sa guy, eh late eh, kaya libre. eh nakita ko ung delivery guy, parang malungkot.

sobrang naguilty ako!:| as in sobra. eh nakaalis na ung guy eh. wala lang. tlgang naguilty ako.

sobrang wala lang talaga.

kaya kapag nalate ung delivery guy, hayaan niyo na. baka ikaltas ung bayad sa sweldo niya. isipin mo, ung pizza, 300+ somthing? eh magkano bayad sa kanya per day? sabihin natin minimum na.. ewan ko ung minimum. kunyari 350? de wala na siyang sweldo sa araw na un.:| ewan ko kung ganun ung system.

kaya siguro sumama rin ung lasa nung pizza. kasi naguilty ako. first time! joke.

[yan na ung pinakapersonal na makkwento ko. ever.]

ilog.pasig!

may theory ako nung bata ako eh. sobrang talino ng theory ko. diba ung ilog pasig ngayon, sobrang brown? naisip ko nung bata ako, tska feel ko totoo naman...

sobrang daming taong tumae ng sabay-sabay sa ilog pasig. tapos, pano naging liquid? nagmelt. duh.

pero parang totoo na kaya naging brown un eh dahil sa mga gagong tumatae dun eh. may nakita nga akong isda dun. kala ko patay na ung ilog dati. ano kinakain nun, basura? tae?

sobrang wala lang. magandang theory diba?

Tuesday, June 9, 2009

LOL

oi, magingat ka sa kachat mo. kapag pilipino yan tapos may jinoke ka. pagsinabi LOL, ulol ka raw. totoo un. di nga. 'LOL un eh. tinamad lang maglagay ng '. ano tawag dun? apostrophe ata. wala lang. hindi laugh out loud un. ulol ka lang tlga.

'LOL.

next.philippine.president?

sino nga ba? si noli, si bayani [go bayani, buong pilipinas, pink! kahit sa world map, kahit sa suot mo, dapat pink. bakla.], si villar, si roxas, si escudero, si loren, si eddie gil [kung 18 na ako nun, binoto ko un. babayaran daw utang ng pilipinas eh. kung hindi, tusukin natin sa puwet], tska kung sinu-sino pa.

pero sabi dun sa balita, o kung ano man un, dapat daw may mga 4 billion na pera para sa maayos na campaign. 4 billion?! maayos?!

grabe naman no? isipin mo, sa GK, 70,000 pesos ata ung isang bahay, sige, gawin nating low cost tlga, 50,000 na lang, [para madaling magcompute!], teka, ilang zero ba sa 4 billion, ang hirap eh. 4,000,000,000 ba? so 4,000,000,000/50,000 = [ewan ko, di ako sinasagot nung taong nagsabi kung ano filipino nung greed]. 80,000 ata. ewan ko talaga. 4 billion?! sobrang ilang tao tinanong ko rito kasi sobrang daming zero. 80,000 houses raw. WEH.

maiisip mo, 80,000 lang ung boboto sayo? eh ibalita mo lang un na imbes na magcampaign ka eh ibinigay mo na lang para sa mga pilipino. oh di man bahay. kahit libro lang. kahit chalk nga lang eh. ilagay mo mukha mo sa box.

andaming magagawa ng 4 billion para makatulong sa tao!

ano mas iboboto ng tao, ung ginamit ung pera para sumikat sa tv o ung taong ginamit ung pera para makatulong? well, di ako campaign organizer so di ako sure diyan pero, magiging presidente ka para naman tumulong diba? idonate na lang diba? eh, teka. tatakbo ka ba? di naman pala eh. bakit mo to binabasa. ulol:))

[project].by.[insert government official]

mapapansin mo, madaming mga project ng gobyerno, may mga karatulang ganyan. magagalit tayo. sasabihin nila na trabaho naman nila un eh. bakit pa kailangang ipagsabi sa lahat?! hayaan mo na. pasalamat ka nga may proyekto sila eh. sa akin, kahit ilagay mo ung mukha mo sa bawat house and lot na maibibigay mo sa mahirap, kahit may picture mo sa kalsadang bagong gawa, kahit may pangalan mo sa libro at notebook at chalk na kailangan sa paaralan, payag na ako. at least, nakatulong ka na diba. sumikat ka pa.

pero sa mga government official na may karatula diyan tapos ung project eh never nagawa, mamatay na kayo. ididisplay niyo na nga mukha niyo, sana naman may gawin kayong nakatutulong sa mga pilipino.

pulitikong.mabait

tulad ng limit of 1/x as x -> 0 [galing dun sa taong sinagot ung filipino ng greed], walang pulitikong mabait. joke lang. meron naman. ata.

pero di mo ba naisip, ung pulitiko, magnanakaw ng ilang milyon. sabihin natin 100 million. putek, ano ba naman gagawin niya sa 100 million? okei na sana kung kahit kalahati nun gamitin niya para maimprove buhay ng mga pilipino eh. kahit na magnakaw ka ng isang billion, sana naman kahit kalahati nun itulong mo na sa mga pilipino. kaso, hindi eh. ang sakim. greedy to death. hindi man lang maayos ung mga pabahay, ung mga kalye, ung mga libro para sa pag-aaral. hindi eh. nanakawin pa.

sabi ko na lang sa sarili ko, di naman yan lulusot sa langit eh. kaso lang, nakakaawa naman ung mga pilipino. sa langit na lang ba sila giginhawa ang buhay?

eleksyon!

malapit na eleksyon. sabi ng iba, wise voter na RAW ang mga pinoy. eh dati ba hindi? malay mo, nanalo tlga ung magaling na tao. kaso. ano problema?

dinaya.

eh kahit naman mga genius bumoto ngayon, kung dadayain lang, ano pa mangyayari. [pero kung genius mga bumoto, mapapansin naman nila na mali diba? anyways...] kahit na sobrang alam na ng masa na dapat iboto ung pinunong makakatulong talaga sa pilipinas, eh kung dadayain din naman tayo, aba kahit di nga tayo bumoto lahat, baka may manalo pa rin eh.

ewan ko lang. sana naman hindi na.

sakim.sa.barya

ah. nagpapasalamat ako dun sa kablock ko sa filipino. sa kanya ko tinanong ung tagalog ng greed. este, FILIPINO ng greed. oo, tama naman, filipino, hindi tagalog. kasi... ano ba yan, alam mo na yan. ung filipino, ayon sa guro ko nung 4th year hs [parang sobrang tagal na, last year lang naman!], tagalog + other dialects ng pinoy. anyways, ang haba ng intro ko, nakalimutan ko na sasabihin ko.

eto, sakim ka ba sa barya?

naaasar lang ako sa mga tao [nablog ko na ata to sa multip], ung mga taong ayaw magbigay ng barya para dun sa mga kumakatok sa kotse nila. sabi nila, baka raw ipangjuts, drugs, rugby, candy, lotto [lotto?!], o kung anu-ano pa. eh ano ba naman. sabi nga nung guro ko [siya rin to, madami akong natutunan sa kanya, tulad ng pano lumabas ung dugo sa mata, o sa puson o ano.], sila na raw may problema nun. ikaw naman, dapat mo naman silang tulungan.

isipin mo, barya na nga eh. ano, limang piso? ayaw mo pa bigay? grabe ka naman. tumawag ka na lang ng isang minuto sa cell eh anim na piso na un. tapos ung pulubi, di mo pa mapapagbigyan/mabibigyan? di ka pupuntang heaven niyan. sige ka. pero di un ung reason bakit bibigyan mo sila ha, tutulong ka kasi tao ka at nararapat na tumulong ka, hindi dahil may kapalit na heaven!

pero kahit piso lang. wag naman bente singko, ano ka ba, ano mabibili nun, buhok?

ung ah1n1 virus.

PLEASE PRAY TO GOD PARA DI KUMALAT UNG A[H1n1] VIRUS.

di ko gets. magppray ka sa kanya, di naman gumagana. joke!

ung ganito kasi eh, kung siya gumawa ng lahat, ginawa niya rin ung mga sakit diba? o kahit ung ah1n1 virus na dahil sa ibang tao. alisin mo na ung mga diabetes o ung mga heart disease dahil sa katakawan mo. pero ung swine flu, eh galing un sa baboy eh. ata. so baboy si god. joke! love ko si god.

anyways, mas mabuti naman sanang ipagdasal na di na lang siya gumawa pa ng mga virus na un diba. eh kumalat na eh. ano ipagdadasal mo, biglang magpoof at mawala ung virus? o ipagdadasal mo na maheal lahat? walang pagasa un. kung realistic naman, una may gamot na un. pangalawa para maheal lahat, kailangan mo ng pera pambayad sa gamot. mas problema un. kunyari sa ateneo high school, meron na raw. wag ka mabahala dun, may pera naman ung mga taong un eh. may gamot naman.

magdasal ka na lang na walang cow virus. o meron na ba. ewan. basta, ewan:)) labo eh.

naglakad.lang.namatay.na

marunong ka ba magdrive?

isipin mo to, marunong ka magdrive. may kotse ka. swerte ka. di mo kailangan magcommute. di mo kailangan maglakad ng pagkalayu-layo.

tapos binubusinahan mo ung tumawid sa kanto. aba'y gago ka rin ano?

isipin mo, wala na nga silang kotse, nahihirapan na nga sila pumunta from point a to point b na ang shortest distance ata e line sa math tapos displacement sa physics. ata lang. wala lang.

so ganun nga, magagalit ka pa sa kanila na tumatawid sila. nakakotse ka na nga eh. ikaw pa galit.

isipin mo naman kung nakapatay ka ng pedestrian. grabe ka. ano ung rason bakit napatay mo siya? nagmamadali ka, di siya tumawid sa tamang lugar, lasing ka [gago!], o kung anu-ano pa. ano laban mo dun sa - nakapatay ka ng tao. di lang ung tao ung pinatay mo, ung kapamilya pa, ung mga kaibigan, pati sarili mo. makalusot ka man sa korte, tae ka man na di ka nababagabag [hirap ispell!] ng conscience [ di ko alam tagalog.konsiyensiya? spelling error ata un.], ewan ko na lang sa langit kung papapasukin ka.

dapat namang alalahanin nung tumatawid ung dinadaanan niya. oo. malamang. baka may tae eh. at hindi dahil sa kotseng ayaw pagbigyan ung tumatawid. hirap na nga magcommute ung tao o maglakad kung saan man, papahirapan mo pa sa greed mo. ano tagalog ng greed? ewan ko eh.

naman oh. naglalakad lang, namatay na.

masarap.ang.aso

sa totoo lang. nandidiri tayo sa nilutong aso diba? ung azucena ba un o ano. o sa pusa. ung sa siopao. pero bakit di tayo nandidiri sa manok? o sa baka? aba, ung baka, kumakain ng damo. kumakain ba tayo ng damo? e sa baboy. e baboy nga un eh, kinain mo pa.

sa totoo naman, di naman talaga lang kasi tayo sanay na ang aso eh kinakain diba. eh kung ung mga ninuno natine eh biglang sinimulang kumain ng aso at pusa, lalabas ngayon na di na kadiri un. eh kung dati, ung mga ninuno natin sinimulang kumain ng tae. aba baka araw-araw na tayong kumakain ng tae. joke lang. ayoko nun. baboy un.

pero wala lang, di lang naman kasi tayo sanay kaya ganun eh.

alam mo ba sa germany kumakain sila ng ipis? ako hinde. kapag naniwala ka pa, ewan ko na lang sayo. kumain ka na lang ng ipis.

askal.

ano ba ang aso, o pusa? i mean, domesticated creature siya diba. domesticated. diba meaning nun parang nasa bahay ng isang tao. parang ganun diba? eh pano ung mga askal. o ung mga pusakal ba un. isipin mo, gumawa tayo ng hayop na inaalagaan dapat natin. dapat tumitira sa bahay. dapat di lang pagala-gala sa mga kalye. pero, ano ginawa natin? ginawa nating askal. ginawa nating pusakal. hindi ba magagalit ang Diyos nyan. eh, binago na nga natin ung gawa niya. ung aso raw, galing sa matalik kong friend na si wiki, eh dati raw wolf. eh ung pusa, dati raw eh wildpusa. tapos poof, pinatira natin sa bahay. tapos, ngayon, tinatapon na lang natin. aba'y gago pala tayo no?

Thursday, June 4, 2009

KWENTONG BARBERO.

bakit. barbero?

hindi ba? bakit kwentong barbero? kasi madami silang kinukwento na kung anu-ano na baka hindi na totoo ung iba? aba naman. wala ka na bang tiwala sa isang barbero? siya na nga nangugupit ng buhok mo, babarberuhin mo pa. isipin mo, kapag sa kwentong barbero, di ka naniniwala pero sa barbero, nagtitiwala ka sa lalabas sa buhok mo at sa tenga mo. tenga mo! kaya pagdi pa napuputol yang mga tenga mo, maniwala ka sa barbero mo. diba. wala lang. malay mo maging barbero ako. ung nanggugupit ha. baka wala ng maniwala sa akin. kung bago pa inikot ni magellan ung mundo at sabi ng barbero na bilog ang mundo, barbero siya eh. maniniwala ka kaya?

basta hindi pa putol tenga ko, maniniwala ako sa barbero ko!

dapat kwentong politician na lang, di naman sila nagsasabi ng totoo eh. [huhulihin ba ako dahil dito?] 'wag niyo ako papatay. please lang. :|

BABALA.

una sa lahat. ewan ko bakit ako gumawa ng blog. wala lang. trip ko lang. bakit ba. bawal ba. diba.

pangalawa. di ako marunong magsulat. malamang marunong ako magsulat pero get mo? tulad ng mga literatura at panitikan na di ko nga alam kung ano meaning nung dalawang un.

pangatlo. lahat ng isusulat ko maikli. kung nabore ka basahin ung mga blog ng isang tao dahil mahaba, madali rin ako mabore dahil may sinulat akong mahaba.

panlima. di ako marunong magbilang. joke. corny. oo. bored din ako. hayaan mo na.

pangapat. teka, wala na akong maisip. panganim na, baka meron.

panganim. weh. anim na. haba na ata nito. nabore na rin ako eh. ay teka nga pala. kung binabasa mo ung mga sinulat ko sa multiply ko ( http://dalelite.multiply.com/ ), oo advertising yan, libre naman eh, ewan ko lang kung bawal, uh, dito ko na lalagay. pero ung mga matino lang talaga. as in matino = ung sobrang sabaw. ewan ko pa rin bakit sabaw ung tawag. sabaw ung utak? ewan.

pangwalo. oo nga, di nga ako marunong magbilang eh.

pangpito, sabaw ako. wala na ako masulat. sige. next time na lang. balik-balikan niyo to ha. pagbored.